Fissa Appuntamento
CLICCA QUI

Ang aming mga produkto na handang magbigay serbisyo sa iyo.

Upang matugunan ang mga pangangailangan ng kasalukuyan at mapaghandaan ang para sa kinabukasan, ang Compass na mula pa noon ay laging updated sa sektor ng pagpapautang sa mga konsumer (pautang na personal at pangnegosyo, credit card at pautang sa mga empleyado), ay nagbibigay na rin ngayon ng mga serbisyong pampinansyal para sa pagbabayad (online at offline) at ng malawak na saklaw ng insurance.


Pautang na personal

Anuman ang iyong mga proyekto, sa Compass, alam namin kung paano ka matutulungang maisagawa ang mga ito sa lalong madaling panahon at sa pamamagitan ng pautang na bagay sa iyong mga pangangailangan. Sa mga Branch ng Compass, makikita mo palagi ang aming mga empleyado na handang makinig at magpayo sa iyo ng nakabubuti para sa iyo. Handa nilang ibigay sa iyo ang kanilang serbisyo na hinasa ng karanasan, sa simula, sa mismong pagkakataon at pagkatapos ng proseso ng pautang. Ang pagkuha ng iyong pautang mula sa isa sa mga Branch ng Compass ay magbibigay sa iyo ng pagkakataon na makapamili sa maraming uri ng mga produkto, na may halagang hanggang €30.000 at sa napakarami pang mga serbisyo upang matugunan ang iyong mga pangangailangan.
Sa Compass, maaaring:

  • Pag-isahin ang mga utang na mayroon ka na at bayaran lang ang isang buwanang halaga. Sa pamamagitan nito, isa na lang ang alalahanin mo bawat buwan (pag-iisa ng mga utang).
  • Kumuha ng pautang na may iba't ibang opsyon ng pagbabayad (mga opsyon nang laktaw laktaw na bayad o pagpapalit ng rate) para mapamahalaan mo nang maayos ang budget ng iyong pamilya.
  • Mag-apply ng karagdagang pautang, kahit na may kasalukuyan kang utang, para maisagawa ang mga bago mong proyekto.
  • Kumuha ng insurance mula sa pautang, para maging handa sa mga posibleng problema sa pagbabayad na maaaring dumating.

Cessione del quinto (pautang para sa empleyado)

Ikaw ba ay isang empleyado?
Ang Pautang para sa Empleyado ay nakariserba para sa iyo! Ang pagbili ng bagong kotse o pagpapagawa ng bahay ay hindi pa kailanman naging ganito kasimple. Sa pamamagitan ng Pautang para sa mga Empleyado, maaari mong gamitin nang matiwasay ang sweldo mo para sa anumang gastusin.


Mga uri ng pagbabayad

Ang Compass ay laging nagbibigay sa iyo ng mga uri ng pagbabayad na pinaka-angkop sa iyong mga pangangailangan.
Credit Card: mas madali at flexible, maaaring isang kabuuang halaga o installment, ikaw ang mamimili.
Conto&Carta CompassPay: para mapamahalaan ang mga pangunahing paglilipat ng pera sa pamamagitan ng isang multichannel na platform na simple at mabilis.
Bukod dito, maaari mong malaman ang lahat ng mga transkasyon kahit nasaan ka man: online, sa pamamagitan ng telepono o direkta mula sa Branch.

Credit card

Ang Compass ay nagbibigay sa iyo ng maraming uri ng credit card na maaaring bayaran ng installment o ng isang kabuuang halaga.
Ang Carta Compass Easy, ay isang credit card na ibinibigay sa Branch at maaari nang gamitin. Sa pamamagitan nito ay maaari mong bayaran ang iyong mga bibilhin nang installment o nang isahan.
Salamat sa uri ng pagbabayad na installment kada buwan gamit ang isang halaga lamang at maaari mo nang makontrol ang iyong mga gastusin.

Compass Easy
credit card

Direktang ibinibigay sa Branch at agad na maia-activate gamit ang PIN na matatanggap mo sa pamamagitan ng SMS sa loob ng ilang minuto.
Sa pamamagitan nito, maaari kang maka-withdraw sa mga kapartner na ATM.
Maaari ka ding makapamili sa lahat ng mga negosyo na tumatanggap ng Visa, kahit online.
Gamit ang card na ito, maaaring i-convert ang available credit limit sa cash advance, salamat sa Servizio Contante Express na siyang magke-credit nang direkta sa iyong account.
Sa Branch maaari mo ring makita pati na ang:

Compass Gold
credit card

Isang credit card kung saan maaari mong bayaran ang iyong mga pinamili sa pamamagitan ng isang rate o halaga at mapakinabangan ang mga benepisyo na eksklusibo at serbisyong ORO.


Conto&Carta CompassPay

Ang CompassPay ay nagbibigay sa iyo ng lahat ng mga pangunahing katangian ng isang account, nang may kumpletong kaligtasan, kahit na sa online.
Sa Conto&Carta maaari kang bumili sa pamamgitan ng internet at sa mga negosyo, mag-withdraw ng pera, magbayad online at marami pang ibang mga transkasyon.
Sa pamamagitan ng IBAN sa card na ito ay maaaring ma-credit dito ang sweldo, magdeposito ng cash o tseke, mag-reload ng iyong Card sa mga negosyong may SisalPay, magpadala ng bank transfer at magbayad ng utility bills.
Ang CompassPay Card ay VISA: 8 milyong mga negosyo at ATM sa buong mundo ang naghihintay sa iyo!

  • - MiniCredito
    Isang opsyonal na riserbadong pautang hanggang €1.500 ang nakaabang para sa iyong mga pangangailangan.
  • - Money Transfer
    24x24 oras, 7x7 araw, maaari kang magpadala ng pera online sa pamamagitan ng isang click lang.
  • - Sconti&Carta
    Salamat sa iyong Conto&Carta CompassPay maaari mong pakinabangan ang napakaraming discount at eksklusibong promo.
  • - E-Wallet
    Mag-shopping online nang tiyak ang kaligtasan!

Compassicura

Nagsanib ang pagiging mapagkakatiwalaan ng Compass at ang karanasan ng Europ Assistance Italia S.p.A. upang bigyan ka ng mga seleksyon ng mga produktong bago at naiiba, madali at maginhawa para proteksyunan ang iyong bahay.

Assistenza Casa (tulong pambahay)

 
Compass Casa Sempre Assistita SMART
Compass Casa Sempre Assistita PREMIUM

Ayaw mo ba ng nag-aaalala ka sa tuwing may nasisirang appliances sa bahay, nasira ang blinds ng bintana o nasira ang heater?

Para sa anumang pangangailangan, nakahandang tumulong sa iyo 7x7 araw, 24 x 24 oras ang: elektrisyan, panday-bakal, tubero, gumagawa ng salamin, kumukumpuni ng mga appliances, gumagawa ng heater, gumagawa ng blinds at mga espesyalista sa paglipat at paglilinis. Ang polisiya ay sasagot sa mga gastos sa research at pagbabalik ng mga napinsala kung sakaling may masira sa sistema ng ilaw at gas.

Protezione Casa (proteksyong pambahay)

Compass Casa Sempre Protetta
Compass Casa Sempre Salva

Gusto mo bang protektahan ang mga laman ng iyong bahay, sa bodega at sa garahe?
Nag-aaply ka ng utang sa pabahay at hinihingan ka ng banko ng insurance sa sunog at pagsabog?
Mula ngayon maaari mo na itong gawin salamat sa mga polisiya ng proteksyon pambahay na ibinibigay sa iyo ng Compass para maprotektahan ang iyong mga pag-aari o bahay.